Tara samahan mo kaming puntahan ang simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Obando Bulacan, ang San Pascual de Baylon Parish Church at ang Marcelo H. Del Pilar Shrine.
Ang aming unang destinasyon ay sa Obando Bulacan kung saan naroon
ang Iglesia ni Cristo. Nang pumunta kami sa Obando Bulacan saktong baha pa e naka sapatos ako kaya nag hanap kami ng kalsadang walang baha at sumakay kami sa trike at nagpahatid kami sa simbahan ng Iglesia ni Cristo.
Unang beses ko palang naka punta at nakapasok sa simbahan ng Iglesia ngunit na disappointed ako kasi di kami nakapasok sa loob nakasarado daw at walang susi. kaya hanggang pinto lang kami. Doon na lang kami nag picture picture. Syempre kasama namin iyong kaibigan namin na si pamela jabal siya ang aming taga picture.
Ang aming pangalawang destinasyon ay sa San Pascual de Baylon Parish Church, kaya sumakay na naman kami sa trike para puntahan ang simbahan. Ang simbahan pa lang ito ay dito sumasayaw ang mga mag asawang di nag kakaroon ng anak.
San Pascual de Baylon Parish Church
Ang aming pangatlong destinasyon ay ang Marcelo H. Del Pilar Shrine sa Bulacan Bulacan. Sa aming paglalakbay patungo sa bulacan bulacan ay naramdaman ko na nasa aming probinsya ako kasi mararamdaman mo iyong sariwang hangin.
Marcelo H. Del Pilar Shrine
Ito po si Marcelo H. Del Pilar dyan po sa kinatatayuan niya dyan po pala siya nakalibing.
Bahay ni Marcelo H. Del Pilar
- Ito ang bahay ni Marcelo H. Del Pilar na ginawa ng museum sa pagkaka alam ko nasunog dati ang bahay ni marcelo gawa ng mga espanyol. kaya pinatayo nila ito upang dakilain at makilala si marcelo.
Lumang Bahay ni Marcelo H. Del Pilar
-Ito iyong lumang bahay niya noong di pa ito nasusunog.
-Ito ay isang sementeryo kung saan nakalibing lahat ng kamag-anak ni Marcelo H. Del Pilar.
Tara! Tingnan natin ang loob ng bahay ni Marcelo H. Del Pilar
Makikita mo sa loob ng bahay niya ay ang mga ibat ibang kagamitan, kasaysayan at mga litrato. Kilalanin natin si Marcelo H. Del Pilar.
Register muna bago pumasok :) dapat lahat nakatingin hehe
Museum
Tala ng binyag ni Marcelo Hilario Del Pilar noong Setyembre 4, 1850
Pamilya ni Marcelo H. Del Pilar
Si Anita H. Del Pilar anak ni Marcelo
Tara naman sa taas ng bahay tingnan natin kung ano ang meron.
Ginawa po nilang library itong sa taas ng bahay.
Ito ay sinaunang salakot (ika 19 na siglo ) ginamit ito ng mga kapitanan sa kanilang
pag gawa. Kapansin pansin ang "finial" na yari sa pilak.
Picture Picture muna sa taas :)
" Sa aming pag lalakbay ay marami ako natutunan at natuklasan. Para sa akin naging masaya ang aming byahe lalo na iyong pinakahuli ng pumunta kami sa Marcelo Shrine. Napa kagandang experience ito."
Dito na po nagtatapos ang ating byahe sa kaalamanan sana po ay may natutunan kayo at may nalaman sa aking ginawa. Maraming Salamat po! :)


























